Saturday, December 29, 2007

Dear Anak.. ( I want you to read this.. it sounds funny but very meaningful..)

Dear Anak,

Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project nayun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag-ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na ung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable ka ba jan sa boarding house mo? san ba kamu yan sa VICTORIA COURT? maganda ba dyan di ba mainit dyan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.
Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian nating sa sanglaan. ay siya nga pala anak di ba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag - ingat siya sa pag da-drive.

Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal
Itang at Inang

P.S. Anak mag - aral ka ng mabuti.

1 comment:

Glitz said...

nareceive ko toh sa txt.hehe.. ilikedit :-p

Bubble Shooter


SIGN IN OUR GUESTBOOK ;-)